24-ANYOS NA SECURITY GUARD SA SAN FABIAN, ARESTADO DAHIL SA HINDI LISENSYADONG BARIL

Arestado ang isang 24-anyos na security guard sa San Fabian, Pangasinan matapos makumpiska sa kanyang bahay ang isang hindi lisensyadong baril at tatlong bala noong Setyembre 23, 2026.

Isinagawa ng mga awtoridad ang search warrant sa bahay ng suspek dahil sa paglabag umano sa Republic Act No. 10591, o batas na nagre-regulate sa pagmamay-ari at paggamit ng baril at bala.

Bukod sa isang caliber revolver at tatlong live ammunition para sa caliber .38, nakumpiska rin ang isang gray sling bag.

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang gamit sa police station para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments