Umabot sa mahigit ₱71.1 milyon ang halaga ng iba’t ibang agricultural assistance na ipinamahagi sa mga magsasaka at agri-fishery stakeholders sa La Union sa ilalim ng programang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat noong Setyembre 14
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang 6,583 bags ng hybrid palay seeds at assistance para sa 500 benepisyaryo ng P20 Rice Project.
Tumanggap din ng certificates ang 15 farmer groups sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo para sa onion at mungbean seeds, solar-powered irrigation systems, net mesh at iba pang production inputs.
Kabilang pa sa mga ipinamahaging tulong ang 1,000 calamansi seedlings, fruit tree seedlings para sa 75 benepisyaryo, ₱5 milyon enterprise assistance sa ilalim ng Kadiwa Financial Grant Assistance Program at ₱1 milyon para sa Agri-Entrepreneurship Enhancement Assistance.
Samantala, 566 magsasaka ang tumanggap ng recognition para sa indemnity at insurance-related assistance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Mayroon ding livestock at animal health interventions para sa 250 hayop, kabilang ang vaccination, deworming at spaying o neutering, gayundin ang cattle at goat multiplier farm modules sa ilalim ng Livestock Economic Enterprise Development o LEED Program.
Ayon kay DA Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Atty. Asis G. Perez, mahalagang mapakinabangan ng mga benepisyaryo ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan upang makatulong sa kanilang pamilya, hanapbuhay at kinabukasan.
Ang La Union assistance ay bahagi ng mas malawak na paghahatid ng agricultural interventions ng Department of Agriculture sa buong Ilocos Region na nagkakahalaga ng ₱928.3 milyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










