Isinumite ang mga imbentaryo sa ilalim ng TALAPAMANA Program ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA, bilang bahagi ng pagsisikap na maidokumento at mapangalagaan ang mga pamanang kultural ng lalawigan.
Itinampok ang milestone sa “Say Tinawir, Ipatawir: Our Heritage, Our Legacy” Technical Orientation and Workshop on the Philippine Registry of Heritage o PRH, na isinagawa sa Sison Auditorium sa Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan.
Sa pamamagitan ng Local Cultural Inventories, idodokumento ang mga kuwento, tradisyon, lugar, kaugalian, gawain at iba pang cultural expressions na bumubuo sa natatanging pamana ng bawat komunidad sa Pangasinan.
Layunin ng inisyatiba na mapanatili ang mga impormasyong may kaugnayan sa kultura at pamana ng lalawigan upang maipasa at mapangalagaan ang mga ito para sa mga susunod na henerasyon.
Patunay ito sa mga hakabang ng mga LGU sa Pangasinan upang patuloy na pagdodokumento at pag-iingat sa sariling pamanang kultural. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




