Nakibahagi ang Pangasinan Provincial Jail Office (PPJO) sa isinagawang kick-off program ng Ligtas Eskwela 2026 sa Padilla Central School at Lingayen I Central School sa Lingayen, Pangasinan noong Hunyo 1, 2026.
Ito ay alinsunod sa paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga naglinis ang mga guro, magulang at iba pang volunteer groups.
Nagkaroon naman ng pakain para sa mga kalahok ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ayon sa PPJO, inaasahang maisasagawa rin ang kaparehong aktibidad sa Tonton Elementary School sa Lingayen at iba pang paaralan sa mga susunod na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







