Pangulong Bongbong Marcos, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa MMDA

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Francisco San Juan Jr., bilang bagong deputy chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Procopio Lipana bilang bagong general manager ng ahensya.

Ito ay matapos kinumpirma ng Office of the Executive Secretary ang panunumpa nina San Juan at Lipana sa pwesto kahapon.

Si San Juan ay dating gobernador ng lalawigan ng Rizal at nahawakan din ang deputy chairman position ng MMDA noong Duterte administration.


Habang si Lipana ay isang retiradong police officer at dating pinuno ng Market Development and Administration Department ng Quezon City.

Facebook Comments