DOH, nakapagtala ng 1,774 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa; aktibong kaso ng sakit, bumalik sa higit 19,000!

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,774 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, umakyat na sa 4,023,798 ang tinamaan ng sakit kung saan 3,940,073 dito ang gumaling na.

Tumaas naman ang aktibong kaso sa 19,267 matapos makapagtala lamang ng 854 na bagong gumaling sa COVID-19.


Nadagdagan naman ng 17 bagong nasawi sa virus dahilan para sumampa sa 64,458 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.

Samantala, batay sa pagtaya ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, maglalaro sa 900 hanggang 1,100 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Facebook Comments