Pangulong Duterte, binigyang-diin na sya ang bahala sa kinakaharap na kaso sa ICC

Muling binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang posisyon kaugnay imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kontrobersyal na war on drugs ng administrasyon.

Sa kanyang mensahe sa inagurasyon ng Narvacan Farmer’s Market sa Ilocos Sur, sinabi ni Pangulong Duterte na ilang buwan na lang at bababa na siya sa pwesto at masaya siyang ipasa ang kanyang posisyon sa susunod na pangulo ng bansa at harapin ang kanyang kaso sa ICC.

Ayon kay Duterte, basta tinupad nito ang kanyang trabaho na ipatupad ang law and order at wala itong pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya.


Binigyang-diin ng pangulo na ginawa niya ang nararapat para sa bansa.

Facebook Comments