2-day number coding, anti-poor ayon sa isang mambabatas

136

Manila, Philippines – Tinawag na anti-poor ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang panukala ni MMDA Chairman Danny Lim na two-day number coding sa Metro Manila.

Ayon kay Evardone, marami aniya ang maaapektuhan nito dahil palpak ang mass transport system ng bansa.

Papabor lamang sa mga mayayaman ang nasabing panukala dahil maaring bumili ang mga ito ng bagong sasakyan na lalo lamang magpapalala ng problema sa trapiko.


Giit ni Evardone, sa halip na magkaroon ng two-day number coding ay magpatupad ng short-term measure para mapaluwag ang trapiko.

Ilan dito ang paglilinis ng sidewalks at mga obstruction na humaharang sa trapiko.

Bukod dito, kailangan din anyang disiplinahin ang mga drivers at commuters gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng traffic laws and regulations.



Facebook Comments