Pangulong Duterte, mananatili sa kanyang tahanan sa Davao ngayong Semana Santa

67

Tulad ng nakagawian, mananatili si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang hometown sa Davao City ngayong Holy Week.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar makakasama ng pangulo ang kanyang pamilya sa Davao.

Samantala, kaugnay nito pinapayuhan ng Palasyo ang publiko na magbabakasyon sa papalapit ng Holy Week na sundin pa rin ang health and safety protocols.


Ani Andanar kung maaari iwasan ang mga matatao at siksikang lugar at wag makakalimot magsuot ng face mask.

Giit nito malaki at maraming isla ang Pilipinas kung kaya’t madaming magagandang lugar sa bansa na maaaring pagbakasyunan na hindi ganon kadami ang tao.

Facebook Comments