Publiko hinikayat na magpabakuna bago pa man ma-expire ang mga ito

99

May sapat na panahon pa ang publiko para magpabakuna.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion kasunod nang nakatakdang pagkapaso ng 27-M doses ng mga bakuna sa Hulyo.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi nito na Abril pa lang naman at sa Hunyo o Hulyo pa naman mapapaso ang ibang mga bakuna kaya’t dapat na itong samantalahin ng ating mga kababayan.


Pakiusap ni Concepcion na huwag naman sanang sayangin ng publiko ang gumagandang sitwasyon ngayon kung saan nakakabalik na ang sigla ng mga negosyo maging ng ating ekonomiya.

Aniya, mahalagang magpaturok ng 3rd dose o booster shot lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Kailangan din aniyang mapaghandaan ang mga bagong variants tulad ng Omicron XE kaya napakahalaga aniya na magamit ang mga bakuna bilang booster shots bago pa man ito mapaso sa Hulyo.



Facebook Comments