Pangulong Duterte, posibleng magtungo sa Guimaras

Posibleng personal na alamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng mga biktima ng paglubog ng 3 ferry sa Guimaras.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, dahil sa character ng pangulo na matulungin ay posibleng magtungo ito sa nasabing lugar.

Posible rin aniyang personal na magpa-abot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng trahedya ang pangulong Duterte.


Sinabi pa ni Panelo na kung anumang ahensya ng pamahalaan ang in-charge o nakakasakop sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat ay dapat magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan nang sa gayon ay hindi na maulit pang muli ang insidente.

Noong linggo, matatandaang lumubog ang M/B Chi-chi, M/B Keziah 2, at M/B Jenny Vince sa karagatang sakop ng Guimaras kung saan 31 na ang kumpirmadong nasawi.

Facebook Comments