Panibagong record-high ridership sa MRT-3, naitala nitong Miyerkules

40

Nakapagtala ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ng panibagong record-high na ridership kahapon, June 8.

Ito ay makaraang makapagsakay ang MRT-3 ng kabuuang 370,713 mga pasahero na pinakamataas mula nang magbalik-operasyon ito noong June 2020.

Ayon sa Department of Transportation (DOTR), ang mataas na ridership ay resulta ng ipinatutupad na libreng sakay at pagpapatakbo ng mga karagdagang tren.


Magtatagal ang libreng sakay program ng MRT-3 hanggang sa June 30.

Facebook Comments