
Panibagong Rore Mission sa BRP Sierra Madre, isinagawa kahapon
Matagumpay na nakapagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Routine troop Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kahapon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, walang naitalang untoward incident sa naturang RORE mission.
Ani Trinidad, isinagawa ang RORE nang may koordinasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Paliwanag ni Trinidad, ang pagkumpleto sa misyon na ito ay muling nagpapatibay sa pangako ng AFP hindi lamang sa pagsuporta sa ating mga sundalo sa WPS, kundi higit sa lahat, sa pagpapatibay ng soberanya at mga karapatan ng Pilipinas, hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin para sa mga susunod na henerasyon.