Parusang kamatayan, planong buhayin sa Senado

Plano ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na buhayin sa Senado ang parusang bitay o kamatayan sa gitna na rin ng paglaganap ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa.

Ang planong paghahain ng senador ng panukalang death penalty ay sa gitna na rin ng pagdukot kamakailan sa isang 14 anyos na Chinese student na pinutulan pa ng daliri.

Ayon kay Dela Rosa, partikular na nais niyang ipataw ang parusang kamatayan sa mga high-level drug trafficker at hindi kasama rito ang mga small-time pusher.

Batid ng mambabatas na hindi popular ang panukala at mahirap makalusot dahil sa pagiging kontrobersyal.

Gayunman, naniniwala ang senador na may pag-asang makalusot ito kung magiging malinaw sa mga senador kung sino lang ang papatawan ng nasabing parusa.

Facebook Comments