1,300 NANAY SA DAGUPAN CITY, INAASAHANG MAKIKIISA SA MGA PROGRAMA PARA SA MGA BATA AT PAMILYA

Aabot sa 1,300 nanay mula sa iba’t ibang barangay sa Dagupan City ang pinagsama-sama ng Pamahalaang Lungsod sa isang organisadong network para sa mga programang pangkomunidad.

Sa pamamagitan ng kauna-unahang Isang Yakap Para sa Mga Maaron Ina program na inilunsad noong Hulyo 20, tinipon ang mga ina sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng pamilya at mga bata.

Kabilang dito ang inilulunsad ng lungsod na SAFEnet (Secure and Abuse-Free Environment), Nanay, Ikaw ang Unang Guro, at A.B.K.D. (Ang Bawat Kabataang Dagupeño) Nakakabasa.

Inanunsyo rin ang inaasahang P1 milyong pondo mula kay Senator Risa Hontiveros at suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga kasapi.

Bukod dito, nakatanggap ng libreng gamot at gift packs, gayundin ang mga aktibidad tulad ng cook fest, dance contest, at pagpapakita ng mga produktong gawa ng mga kalahok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments