Panukalang dagdag na sahod, pinaaaprubahan na rin ng senado sa Kamara

Nanawagan si Senator Joel Villanueva sa Kamara na aprubahan na ang panukalang batas na dagdag P100 sa arawang sahod ng mga minimum wage earner.

Ginawa ng senador ang apela sa mababang kapulungan isang araw bago ang Labor Day.

Iginiit ni Villanueva na kahit nagbigay ng umento sa sahod ang mga regional wage board sa bansa, hindi pa rin ito sapat para maibsan ang mabigat na sitwasyon at mabigyan ng disenteng kita ang mga manggagawa.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na hindi hamak na mas mabilis tumaas ang presyo ng mga bilihin kumpara sa sahod.

Nito lamang din Enero ay hiniling ni Villanueva kay Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahang urgent ang panukala na ayon naman sa Presidente ay kanilang pagaaralan.

Facebook Comments