Pagtiyak ng hustisya para sa mga bitkima ng trahedya sa Canada, panawagan ng isang lider ng Kamara

Nagpahayag ng matinding pakikidalamhati at pagkondena si House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa malagim na insidente ng pananagasa sa Lapu-Lapu Day festival sa Vancouver, Canada kung saan 11 ang nasawi at marami ang nasaktan.

Nagpasalamat naman si Ortega sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad ng Canada sa pag-aresto sa suspek.

Apela ni Ortega, tiyakin na mabibigyan agad ng hustisya ang mga biktima.

Para kay Ortega, ang nasabing insidente ay hindi lamang kumitil ng mga inosenteng buhay, kundi nag-iwan din ng malalim na sugat sa isang komunidad na ipinagdiriwang ang kulturang Pilipino.

Kaugnay ito ay nananawagan naman si Ortega sa mga Pilipino sa buong mundo na tumugon sa trahedya sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at katapangan.

Facebook Comments