Isasagawa ang Halal-Friendly Cooking Competition sa Mayo 28, 2026 sa Urdaneta City National High School bilang bahagi ng “Capability Training on Inclusive Halal Industry Research and Innovation Integration 2026.”
May temang “A Halal-Friendly Ilokano Feast of Brotherhood,” layunin ng kompetisyon na itampok ang halal food preparation, culinary innovation, at inklusibong paglinang sa lokal na industriya ng pagkain.
Magsisimula ang aktibidad dakong alas-2:30 ng hapon at inaasahang lalahukan ng mga kalahok sa larangan ng culinary arts at halal food industry. Kabilang sa itatampok ang paghahanda ng halal-friendly Ilokano dishes sa harap ng mga hurado at industry partners.
Ayon sa mga organizer, bahagi rin ng programa ang pagpapalawak ng kaalaman sa halal standards, food authenticity, at market opportunities para sa mga lokal na negosyante at stakeholders.
Nakalaan ding ipagkaloob sa mga mananalo ang iba’t ibang insentibo kabilang ang accommodation sa halal o Muslim-friendly hotel sa Vigan City, business consulting at training services, kitchenwares, at iba pang produkto at diskwento mula sa partner establishments. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










