
Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 11198 o panukala na ideklara ang Setyembre ng bawat taon bilang “National Bullying Awareness and Prevention Month.”
Isinusulong ng panukala ang pagkakaroon ng ligtas na learning environments at proteksyon sa mga bata at kabataan laban sa pag-abuso, pagmamalupit, exploitation, at iba pang delikadong sitwasyon.
Inaatasan ng panukala ang Department of Education (DepEd), sa tulong ng National Youth Council at Council for the Welfare of Children, na maghanda ng taunang programa at mga aktibidad para sa paggunita ng National Bullying Awareness and Prevention Month.
Sa ilalim ng panukala ay responsibilidad naman ng Philippine Information Agency (PIA) at ng DepEd ang pagtiyak na maipapakalat ang mga impormasyon ukol sa panukala.