Isyu sa comprehensive sexuality program, maaring resolbahin ng Kamara at Senado sa bicameral conference committee

Para kay House Committee on Welfare of Children Chairperson at BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co, mas mainam na talakayin ng Senado at Kamara sa Bicameral Conference Committee ang mga isyu sa panukalang batas ukol sa pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education Program.

Tugon ito ni Co sa mga panawagan na bawiin ng Kamara ang pagpasa sa House Bill 8910 o Adolescent Pregnancy Prevention Bill upang maibalik ito sa komite.

Sabi ni Co, maraming probisyon ang bersyon ng Kamara na iba sa nilalaman at construction ng panukalang batas sa Senado kaya makabubuting plantsahin ito sa Bicam ng dalawalang kapulungan.


Sang-ayon si Co sa kahalagahan ng implementasyon ng Comprehensive Sexuality Education sa mga paaralan para matugunan ang nakaalarmang pagdami ng mga kabataang nabubuntis.

Ayon kay Co, ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa ating mga kabataan ang daan para makagawa sila ng informed decisions na magpapabuti sa kanilang buong pagkatao at tatapos sa kahirapan na bunga ng pagiging magulang sa murang edad.

Facebook Comments