PARATANG NG ISANG VLOGGER SA HINDI UMANO GINAWANG TULAY SA MAPANDAN, NILINAW NG BARANGAY

Pinabulaanan ng mga opisyal ng Barangay Nilombot sa Mapandan, Pangasinan ang kumakalat na video ng isang umano’y vlogger na nagsasabing hindi inaksyunan ang planong tulay sa lugar.

Sa inilabas na abiso ng barangay, nilinaw na may umiiral nang plano para sa pagpapatayo ng tulay sa Zone 6 na taliwas sa pahayag sa viral video na umano’y nagdudulot na ito ng aksidente dahil sa kawalan ng aksyon mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa ulat ng barangay, mayroon nang nakahandang Program of Work para sa proyekto at kasalukuyan na ring isinasagawa ang bidding process na inaasahang tatagal ng 21 araw.

Nilinaw ng mga opisyal ang joint resolution ng Barangay Nilombot at Barangay David sa Mangaldan na pirmado na noong Pebrero 2026 kaugnay ng maaapektuhang waiting shed sa lugar.

Giit pa ng barangay, target umanong simulan ang konstruksyon ng naturang tulay sa Mayo 2026. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments