Pari, patay matapos barilin sa Malaybalay City, Bukidnon

701
Photo Courtesy: Diocese of Malaybalay

Nasawi ang isang pari matapos pagbabarilin sa Malaybalay City sa Bukidnon.

Batay sa ulat ng Bukidnon Police, kinilala ang pari na si Fr. Rene Regalado, 42 anyos.


Siya ay natagpuang patay alas-10:30 kagabi ilang metro ang layo sa Carmelite Monastery sa Sitio Pal-ing, Barangay Patpat.

Siya ay may tama ng baril sa ulo at may indikasyon ng bugbog sa kaliwang mata.

Nakatali rin ang kaliwang kamay nito.

Batay pa sa imbestigasyon, isang pari na residente rin sa lugar ang nagsabi na nakarinig siya ng limang putok ng baril pasado alas-7:00 ng gabi pero hindi niya alam kung saan ito nanggaling.




Ayon sa ilang staff ng simbahan, alas-2:00 ng hapon kahapon nang umalis ang pari sa kanyang kwarto para pumunta sa Diocesan Formation Center sa Barangay 10.

Huli syang nakita sa lugar alas-7:00 ng gabi.

Natukoy rin ng pulisya na dati nang nakatanggap ng death threat ang pari.

Facebook Comments