Partido Reporma Chairman Ping Lacson, nagpositibo sa COVID-19

48

Kinumpirma ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Lacson, bumubuti na ang kanyang kalagayan matapos makaranas ng ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, at lagnat.

Bukod dito ay nagpositibo rin ang kanyang panganay na anak at iba pang miyembro ng pamilya.


Sa ngayon ay naka-isolate na ang mambabatas sa kanilang tahanan bilang bahagi ng kanyang mandatory quarantine protocols.

Sa kabila nito ay hindi naman nakaramdaman ng anumang sintomas ang iba pang staff ni Lacson kasunod ng meeting nito sa Partido Reporma Media Bureau Office sa Greenhills, San Juan.

Samantala, nananawagan din ang Partido Reporma sa lahat ng mga miyembro at tagasuporta nito na magsagawa ng karagdagang pag-iingat sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 na dulot na rin ng Omicron variant.



Facebook Comments