Pasaway na mall sa Antipolo City na binabalewala ang health protocol, ipinasara

191

Tuluyan nang ikinandado ng Antipolo City Business Permit and Licensing Office at opisina ni Mayor Andeng Ynares ang Victory Park and Shop Mall na matatagpuan sa Brgy. San Roque Antipolo City.

Kasunod ito ng lantarang paglabag sa ipinatutupad na minimum health protocol na malaki ang posibilidad na maging spreader o maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.


Una rito ay marami nang natatanggap na reklamo mula sa mga residente na bukod sa siksikan at wala nang social distancing sa loob ng mall ay pinapayagan pa ang mga menor de edad na pumasok.

Sa sumbong ng mga residente, pabaya o hindi na umano nagsasagawa pa ng temperature check ang mga guwardiya ng nabanggit na mall.

Sa Facebook post ni Mayor Ynares, papayagan lamang magbukas muli ang mall sa sandaling mailatag nila ang mga gagawing hakbang para makatupad sa pinaiiral ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases.

Facebook Comments