Pasok sa Hudikatura, 80% capacity na

Simula bukas, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok ng mga empleyado ng Hudikatura, mula Lunes hangggang Biyernes, sakop nito ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at iba pang mababang hukuman sa bansa.

Sa harap ito ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pinapayagan na rin ang personal na paghahain ng pleadings at iba pang court submissions basta’t magprisinta lamang ng vaccination card ang mga kliyente.


Facebook Comments