DOH, nakapagtala ng higit 2,000 kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 2,010 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 2,730 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 641, 940 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 72,305 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 6,293 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,514,489 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 55,146 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 52 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 13 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments