Passport ni Atty. Harry Roque ipakakansela ng DOJ

Hihilingin na ng Department of Justice (DOJ) na kanselahin ang passport ni Atty. Harry Roque na ngayon ay nananatili sa The Netherlands.

Ito ay dahil sa kinakaharap na niyang kaso dito sa Pilipinas matapos madawit sa operasyon ng iligal na POGO.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hihilingin nila na kanselahin ang passport ni Roque pero sa ngayon ay hindi pa niya napipirmahan ang request.

Sakaling kanselahin ang passport, ituturing na siyang undocumented alien.

Pero depende pa rin aniya ito sa nakabinbing aplikasyon ni Roque para sa asylum sa The Netherlands.

Nahaharap sa reklamong qualified human trafficking at regular human trafficking ang dating tagapagsalita ng administrasyong Duterte.

Sinabi ng DOJ na hindi limitado sa pagiging abogado ang ginampanan ni Roque para sa Whirlwind Corporation dahil siya rin umano ang naging kinatawan para sa POGO.

Facebook Comments