
Idineklara ng Malacañang ang June 6, araw ng Biyernes bilang regular holiday sa buong bansa.
Batay sa Proclmation No. 911, ito ay para sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice na isa pinakamalaking kapistahan sa Islam.
Alinsunod din ito sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos batay sa 1446 Hijrah Islamic Lunar Calendar.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kautusan noong May 21, 2025.
Facebook Comments