Tuesday, August 4, 2026

48 na Chinese vessels, na-monitor sa West Philippine Sea nitong buwan ng Hulyo—AFP

Nakapag-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 48 na vessels ng China sa apat na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) nitong buwan ng Hulyo.

Sa Ayungin Shoal nasa 14 na mga barko ng China ang namataan, sa Bajo de Masinloc ay may namataan na 22 vessels, sa Escoda Shoal ay apat na vessels at sa Pag-asa Island ay nakapag-monitor ng walo na Chinese vessels.

Samantala, nasa kabuuang 20,749 na vessels ang namataang naglalakbay sa loob ng Philippine maritime zones kung saan nasa higit 17,000 rito ay mga foreign-flagged vessels habang ang higit 3,000 naman dito ay mga domestic vessels.

Habang nasa higit 14,000 naman ang sumunod sa international protocols na naitalang nagresponde sa radio challenges at 6,569 naman dito ay naitalang hindi tumugon.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang kanilang pagbabantay at operasyon para matiyak ang seguridad sa teritoryo ng bansa.

Facebook Comments