Wednesday, August 26, 2026

PATULOY NA TULONG, IPINAPARATING NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA PANGASINENSENG APEKTADO NG KALAMIDAD

Patuloy ang paghahatid ng relief assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon Guico III sa mga pamilyang nananatiling apektado ng pagbaha at iba pang nagdaang kalamidad.

Sa Binmaley, nasa 3,000 pamilya mula sa mga barangay ng Buenlag, San Isidro Sur, Linoc, Parayao, Sta. Rosa at Gayaman ang nakatanggap ng food packs sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO.

Samantala, tumanggap din ang Pamahalaang Panlalawigan ng 200 sako ng bigas, tig-25 kilo bawat isa, mula sa Aboitiz Renewables Incorporated bilang karagdagang tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Tinanggap nina Executive Assistant III Atty. Ronn Dale Castillo at mga kinatawan ng PSWDO ang donasyon mula kay Aboitiz Renewables AVP for Stakeholder Relations and Permitting Mark Hadrian Gamo.

Sa Mangaldan naman, ipinagpapatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang PhilHealth, ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal, gamot at bitamina sa mga Pangasinense.

Sa Urbiztondo, 500 pamilyang evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa apat na evacuation centers ang nabigyan ng Family Food Packs, habang 220 pamilya naman ang nakatanggap ng hygiene kits. Kabilang sa nakiisa sa relief operations sina 2nd District Board Member Philip Theodore Cruz at Urbiztondo Mayor Modesto Operania.

Samantala, sa Binalonan, umabot sa 2,449 senior citizens mula sa 12 barangay ang nakatanggap ng tig-dalawang sako ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families-Rice Distribution Program o AIIF-RDP. Pinangunahan ni Provincial Administrator Manuel Luis Jr. ang paghahatid ng rice subsidy sa mga barangay. Sa kabuuan, mahigit 5,000 senior citizens na sa Binalonan ang nakatanggap ng rice subsidy.

Ayon sa mga inisyatibang ito, patuloy na ibinababa ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Ramon V. Guico III, ang mga programa sa pagkain, kalusugan at disaster response upang matiyak na nakararating ang tulong sa mga Pangasinenseng higit na nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments