Hindi pa man natatapos ang kalbaryo ng mga drayber dahil sa epekto ng pagbaha sa ilang pangunahing kalsada, limitado pa rin ang kanilang mga ruta.
Pahirapan din ang pagkuha ng mga pasahero, kaya kakaunti na lamang ang kanilang kinikita sa araw-araw.
Ngayon, dumagdag pa sa kanilang pasanin ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, na epektibo na kahapon.
Tumaas ng P2.31 kada litro ang diesel, P1.08 kada litro ang gasolina, at P0.95 kada litro naman ang kerosene.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Armando Orata, isang tricycle driver, malaking pahirap sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan ang kasalukuyang sitwasyon.
Sa ngayon, nananawagan si Orata sa mga kinauukulan na sana ay mabigyang-pansin ang kanilang kalagayan at makahanap ng paraan upang kahit paano ay gumaan ang kanilang paghahanapbuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








