Tuesday, September 15, 2026

DPWH, nakatakdang magsagawa ng malawakang drainage project malapit sa Manila Bay para maiwasan ang pagbaha

Tinatayang aabot sa mahigit P2.4 bilyon ang halaga ng apat na proposed storage area sa ilalim ng drainage improvement plan ng Department of Public Works and Highways-South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO).

Sakop ng Scheme 1 ang Luneta, Harbor, Manila Bay at P. Ocampo na may pinagsamang kinakailangang storage capacity na halos 98,000 cubic meters.

Sa Luneta, P350 milyon ang estimated construction cost para sa 14,000 cubic meter na storage capacity, habang P367 milyon naman sa Harbor para sa 14,680 cubic meters.

Pinakamalaki ang nakaplanong pasilidad sa Manila Bay na may 60,950 cubic meter na storage capacity at tinatayang gastos na mahigit P1.5 bilyon.

Samantala, 205 milyong piso ang inilaan na estimated construction cost sa P. Ocampo para sa 8,200 cubic meter na storage capacity.

Bahagi ang mga ito ng drainage improvement plan ng DPWH para mapalakas ang flood mitigation system sa South Manila.

Sa pahayag ni DPWH Sec. Vince Dizon, sa pamamagaitan ng proyekto nito inaasahan na mas mapapabilis nlang pagdaloy ng tubig kung saan sakaling magkaroon ng pagbaha ay madali na ito huhupa.

Nabatid na isa sa layunin ng proyekto na gumawa ng malaking catch basin na pag-iipunan ng tubig saka ito ilalabas sa pamamagitan ng mga pumping station.

Facebook Comments