
Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Flora A. Ylagan High School sa Quezon City ngayong umaga, para sa ilulunsad na School Connectivity Drive sa mga liblib na lugar sa bansa.
Layon nitong tiyakin ang kahandaan ng mga paaralan para sa pagbubukas ng School Year 2025-2026, partikular sa aspeto ng digital integration at maayos na internet connectivity.
Bukod sa Flora A. Ylagan High School dito sa QC, ilan sa mga makikibahaging paaralan sa bansa ay ang:
– Tangalagan National High School, Apayao (CAR)
– Chanarian Elementary School, Batanes (Region 2)
– Tibagan Elementary School, Bulacan (Region 3)
– Caigdal National High School, Quezon (Region 4A)
– Duyay Elementary School, Marinduque (Region 4B)
– Lipata Integrated School, Bicol (Region 5)
– Salamanca National High School, Cebu (Region 7)
– Nalil Elementary School, Tawi-Tawi (Region 9)
– Dalingap Elementary School, Misamis Occidental (Region 10)
– Cabawa Elementary School, Surigao del Norte (Region 13)
Ang inisyatibo ay bahagi rin ng mas malawak na reporma ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon, na nakatuon sa accessibility, equity, at kalidad ng serbisyo para sa mga guro at mag-aaral.