
Inabswelto sa kasong kidnapping for ransom with homicide si Alvin Que na anak ng negosyanteng si Anson Que.
Ito’y makaraang lumabas sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) na kulang ang mga ebidensya para kasuhan ang anak ni Que.
Sasampahan naman ng two counts ng kidnapping for ransom with homicide si Gong Wen Li alyas Kelly na pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que.
Una nang itinuro ni alyas Kelly ang anak ni Que na may kinalaman sa kaso na mariing itinanggi naman ng kampo ng nakababatang Que.
Bukod dito, kinasuhan na rin sa korte ang iba pang sangkot sa krimen kabilang na si David Tan Liao.
Ang bangkay ni Que at driver nito ay natagpuan sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal noong Abril.
Facebook Comments