
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong liderato ng Presidential Communications Office (PCO) na palakasin pa ang pagbababa ng impormasyon sa publiko kaugnay sa mga programa ng pamahalaan.
Ayon kay PCO Sec. Jay Ruiz, ang nais ng pangulo na maiparamdam sa publiko na nasa likod nila ang gobyerno.
Mahalaga aniya na alam ng mga Pilipino ang mga programa para ma-maximize nila ang mga benepisyo tulad ng pabahay, scholarship, programang pangkalusugan, at iba pa.
Bukod dito, tututukan din ni Ruiz ang paglaban sa fake news para magkaroon ng public information responsibility.
Sa dami aniya ng nagpapakalat ng mali at pekeng balita, mas lalo aniyang dapat na palakasin ang mga hakbang kontra dito.
Facebook Comments