
Aminado ang Malacañang na nadismaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa naging performance ng kaniyang mga gabinete kaya ipinanawagan ang kanilang pagbibitiw sa pwesto.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinagbasehan ng pangulo ang hinaing ng taong bayan na hindi kuntento sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno.
Ito rin aniya ang posibleng dahilan kung bakit hindi nakuha ng administrasyon ang target 11-0 seat sa Senado.
Samantala, nilinaw naman ni Castro na walang pinupuntiryang opisyal ang pangulo sa direktiba at para ito sa lahat.
Hindi na aniya bago ang balasahan sa mga opisyal dahil dati na ring may tinanggal at pinalitan sa hanay ng gabinete.
Wala namang binanggit na deadline ang Palasyo kung hanggang kailan pag-aaralan ng pangulo ang mga courtesy resignation.