
Hindi pa handa ang bansang Timor-Leste na maging miyembro ng ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ang pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla makaraang ibasura ang hiling ng Pilipinas na ma-extradite o pauwiin na si dating Negros Oriental Third District Rep. Armolfo Teves Jr.
Sabi ni Remulla, hindi pa mature ang kanilang mga institusyon para maging bahagi ng ASEAN.
Bago ibasura nitong Marso, dalawang beses kinatigan ng Timor Leste ang extradition request ng Pilipinas noong Hunyo at Disyembre ng nakaraang taon.
Naniniwala ang DOJ na maaaring may kumita ng pera sa naging pagbaliktad ng desisyon ng Timor Leste Court of Appeals.
Si Teves ang itinuturong utak ng pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pa noong 2023.