PBBM, inaprubahan ang increase sa tinatanggap ng mga medal of valor awardee ng AFP

Madadagdagan ang tinatanggap na buwanang gratuity pay ng mga medal of valor awardee na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito naging anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa talumpati nito sa ika-88 anibersaryo ng AFP ngayong araw.

Ginawa ng pangulo ang pag- aapruba kasunod na rin ng rekomendasyon ng Department of National Defense.


Pero hindi tinukoy ng commander in chief kung magkano ang dagdag sa gratuity pay ng mga medal of valor awardee na sa kasalukuyan ay nasa 20 libong piso kada buwan.

Ang medal of valor award ay iginagawad sa mga sundalong nagpamalas ng katapangan at self-sacrifice sa panahon ng kanilang pagtupad sa tungkulin.

Facebook Comments