
Sinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang high-vacuum self-priming drainage trailer pump sa Alido Bridge sa Zapote, Las Piñas, bilang bahagi ng tugon ng pamahalaan sa pagbaha dulot ng Habagat.
Isa itong malaking mobile water pump na maaaring hatakin ng sasakyan at gamitin sa mabilis na pagsipsip at pag-alis ng baha sa mga lugar na nangangailangan ng emergency drainage.
Matapos ang inspeksyon, nagtungo ang Pangulo sa Verdant Covered Court sa Pamplona 3 para kumustahin ang mga residenteng pansamantalang lumikas dahil sa matinding pagbaha.
Personal na nakipag-usap si PBBM sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon at tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan.
Namahagi rin ng food packs at sleeping kits sa mga evacuee bilang tulong habang pansamantala silang nananatili sa evacuation center.










