
Hinamon ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Bongbong Marcos na pauwiin ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para mapatunayan ang sinseridad ni Pangulong Marcos Jr. sa pahayag nito na bukas siya para sa reconciliation o pakikipagkasundo sa mga Duterte.
Ayon kay Go, mahalagang maipakita ni Pangulong Marcos ang kanyang sinseridad sa alok na pakikipagayos at ang pagpapauwi sa dating Presidente ang unang hakbang para gawin ito.
Ang dating Pangulo aniya naman talaga ang dapat na makausap tungkol sa reconciliation dahil ito ang pinakamatanda sa pamilya.
Facebook Comments