PBBM, nagpaabot ng pagbati sa mga Pilipino ngayong Araw ng Pasko

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Christmas Day.

Sa mensahe ng pangulo, sinabi nitong ngayong Pasko ay ramdam ang biyaya ng Panginoon na bunga ng pagsisikap mula sa nakaraan.

Kaya hinikayat nito ang mga Pilipino na laging magpasalamat sa Diyos sa lahat ng kabutihang ipinagkaloob.


Hangad din ng pangulo na maipalaganap ang kabutihan at kabaitan sa loob ng mga komunidad, na naglalarawan ng kahalagahan ng kapayapaan, pag-ibig, at pagkakaisa.

Facebook Comments