PBBM, nagpasalamat sa pardon na ibinigay ng Cambodia sa 13 Filipino surrogate mothers

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa iginawad na pardon ng Cambodia His Majesty King Norodom Sihamoni sa 13 Filipino Surrogate mothers.

Ipinaabot mismo ito ng pangulo kay Prime Minister Hun Manet sa bilateral meeting nila sa Malacañang ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Marcos, patunay aniya ito ng maganda at matatag na ugnayan ng Pilipinas at Cambodia.

Ipinangako naman ni Pangulong Marcos sa Kingdom of Cambodia na titindig ang Pilipinas sa paglaban sa transnational crimes at sa epekto nito sa rehiyon.

Nabatid na kabuuang 13 surrogate mothers ang kabilang sa 24 mga dayuhang kababaihan ang dinakip ng Cambodian Police sa Kandal province noong Setyembre 2024 sa kasong Attempted Cross-Border Human Trafficking.

Matatandaan na nitong Disyembre 29, dumating sa bansa ang 13 Pinay surrogate mothers makaraang mabigyan ng Royal Pardon kasunod ng apela ng Philippine Embassy sa Phnom Penh.

Facebook Comments