BIR, may paalala sa mga kandidato ngayong umarangkada na ang kampanya

Nagpaalala si Bureau of Internal Revenue (BIR) Comm. Romeo Lumagui Jr. sa mga kumakandidato na huwag kalimutan ang kanilang obligasyon sa buwis ngayong nagsimula na ang campaign period.

Ayon kay Commissioner Lumagui, dapat mag-isyu ng resibo ang mga kandidato para sa lahat ng matatanggap na donasyon, campaign materials, at iba pang gastusin.

Dapat rin itong mag-withhold ng tax sa mga supplier sa campaign posters at advertisement.


Ang hindi pagsunod dito ay maituturing aniyang paglabag sa tax code.

Ayon pa kay Lumagui, nakatutok din sila maging sa tax complaince ng mga social media influencer na mag-eendorso ng mga kandidato sa eleksyon.

Facebook Comments