Thursday, July 2, 2026

CIDG, handa sa pag-aresto sakaling maglabas ng warrant of arrest sa sinumang mataas na opisyal

Handa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sakaling maglabas ng warrant of arrest sa sinumang mataas na opisyal sa bansa.

Ayon kay CIDG-NCR Director PCol. John Guiagui, wala pa namang natatanggap sa ngayon na warrant of arrest ang kanilang tanggapan para sa pag-aresto sa mga nasabing officials.

Samantala, nang tanungin naman si Guiagui kaugnay ng posibleng pagsasampa ng kasong plunder at paglabas ng warrant of arrest ni Senator Rodante Marcoleta, sinabi nito na kailangan nang maraming paghahanda hindi lamang ang CIDG kundi ang buong Philippine National Police (PNP).

Kaugnay nito, tiniyak ng CIDG na patuloy ang kanilang ang mga operasyon para mahanap ang iba pang mga indibidwal na may warrant of arrest na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments