Pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute sa bansa, aprubado ni PBBM

Buo ang suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagpapatayo ng gusali ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines.

Ito’y kasunod ng hiling na pondo ng Department of Science and Technology (DOST) para sa proyekto upang maiwasan ang pagkaantala sa structural deterioration ng VIP administration building dahil walang inilaan na budget ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa gusali.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang proyektong ito ay makatutulong na maihanda ang bansa sa posibleng panibagong global pandemic.


Dahil dito, tiniyak ng pangulo maghahanap ng paraan ang pamahalaan para makakuha ng pondo para sa gusali.

Sinabi naman ni DOST Secretary Renato Solidum na hindi lamang limitado ang itatayong VIP sa human health concerns kundi tutugon din sa mga virus na nakaapekto sa kalusugan ng mga hayop at halaman.

Nasa ₱680 million ang hiling ng pondo ng DOST para maisulong ang proyekto para sa development ng mga bakuna sa mga tao, halaman, at hayop.

Marami na ring balikbayan scientists na gustong tumulong sa DOST para gumawa ng bakuna pero kulang lamang ng pasilidad.

Facebook Comments