PBBM, sasabak sa dalawang aktibidad mamayang hapon

Dadalo si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa isang economic event mamayang hapon.

Ito ay ang 11th Arangkada Philippines Forum 2022 na gagawin sa isang hotel sa lunsod ng Pasay.

Host ng event ang seven members of the Joint Foreign Chambers of the Philippines at may temang Reform, Rebuild, Recover na kung saan ay mapag-uusapan sa kung paano makaka-ambag ang mga policy reforms sa tina-target na economic recovery.


Magkakaroon ng panel sa okasyon na magmumula sa public at private sector para matukoy ang Ilang mga oportunidad para sa bansa at matiyak ang sustainable high growth, job creation, poverty reduction, at increased investment.

Inaasahanan namang magtatalumpati si Pangulong Marcos sa aktibidad.

Pero bago ito ay may dadaluhan munang mas maagang aktibidad ang pangulo na gagawin sa Philippine International Convention Center (PICC) at ito ay ang attendance nito sa Telco Summit 2022.



Facebook Comments