Motoristang sumagasa sa isang traffic enforcer sa Mandaluyong City, sinilbihan ng show cause order ng LTO; lisensya nito, sinuspinde ng 90 days

1565

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng siyamnapung araw (90 days) ang lisensya ng driver ng Toyota RAV4 na sumagasa sa isang traffic enforcer sa Mandaluyong City.

Ito ang nakasaad sa show cause order na inilabas ng LTO laban sa driver.

Nakaalerto na rin ang sasakyan nito at itinakda na bukas ang pagdinig sa kaso.


Sakaling hindi naman sumipot ang motorista sa pagdinig ay dedesisyunan na ito ng LTO batay sa hawak nilang ebidensya.

Makikita sa video na sinagasaan ng motorista ang enforcer pero kahit nakabagsak na ay tinuluyan ito saka tumakas.

Facebook Comments