Friday, July 17, 2026

IKA-36 ANIBERSARYO NG 1990 EARTHQUAKE, MULING INALALA SA DAGUPAN CITY ‎

Muling inalala sa Dagupan City ang mapaminsalang lindol na tumama sa Luzon noong July 16, 1990. ‎ ‎

Ang lindol ay nagdulot ng malawakang pinsala sa lungsod, kabilang ang pagbagsak ng mga gusali at pagguho ng lupa, na nakaapekto sa libu-libong residente. ‎ ‎

Bagama’t nasa humigit-kumulang 100 kilometro ang layo ng lungsod mula sa episentro, nagdulot ang liquefaction ng matinding pinsala sa mga gusali, kalsada at iba pang imprastraktura. Batay sa mga tala, 17 katao ang nasawi sa Dagupan habang dose-dosenang gusali ang gumuho o lumubog.

Sa paggunita, binigyang-diin ng mga lokal na opisyal at mamamayan ang kahalagahan ng paghahanda sa sakuna at pag-aaral mula sa mga naging karanasan noong trahedya. ‎ ‎

Sa pamamagitan ng mga programang pangkaligtasan at mga aktibidad sa paggunita, patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na maging handa upang mabawasan ang epekto ng mga sakuna sa hinaharap. ‎ ‎

‎Sa ika-36 anibersaryo ng mapaminsalang lindol sa Luzon, paalala lamang ito na hindi man natin malaman ang araw at oras ng paggalaw ng lupa, kaya naman nating isalba ang ating buhay basta lagi tayong alerto at handa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments