PEACE TALKS | Pulong sa pagitan ng opisyal ng gobyerno at NDFP, posibleng mangyari sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Anumang araw sa susunod na linggo, posibleng mangyari ang pulong sa pagitan ng ilang lider ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at opisyal ng Malacañang.

Ayon kay Peace Adviser Jesus Dureza – inatasan siya at si Presidential Spokesman Salvador Panelo ni Pangulong Rodrigo na humarap kina NDFP leaders Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni sa isang informal chat.

Matatandaang mismong sina Agcaoili at Jalandoni ang humiling na makapulong si Pangulong Duterte kaugnay sa pagbabalik ng peace talks.


Facebook Comments