PNP SAN MANUEL, NAKIISA SA SEMINAR PARA SA DRUG-FREE WORKPLACE; MANDATORY DRUG TESTING, ISINAGAWA

Cauayan City– Nakiisa ang San Manuel Police Station sa isang reorientation seminar sa Pinagpala Hall, Brgy. District 3, San Manuel, Isabela, bilang bahagi ng kanilang pagtutok sa pagpapanatili ng isang ligtas at malinis na kapaligiran sa trabaho

Pinangunahan ito ni Police Major Rogelio C. Natividad at isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Isabela Provincial Office.

Tinalakay ni Intelligence Officer II Dennis Acosta, Officer ng PDEA, ang masasamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot pati na rin ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naglalayong paigtingin ang kaalaman at kamalayan ng mga pulis sa kahalagahan ng integridad at propesyonalismo sa kanilang serbisyo publiko.

Pagkatapos ng seminar, isinagawa ang mandatory drug testing sa lahat ng tauhan ng San Manuel Police Station. Bahagi ito ng mahigpit na pagpapatupad ng patakaran kontra droga at isang mahalagang hakbang upang matiyak na ang bawat kawani ay malinis at karapat-dapat na maglingkod sa mamamayan.

Samantala, ng inisyatibong ito ay alinsunod sa Dangerous Drugs Board Resolution No. 13, Series of 2018, na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang isang drug-free workplace.

Facebook Comments